By

MRT may P60M passenger insurance fund

Sharing is caring!

Inihayag kanina ni Transportation Usec. Cezar Chavez may P60 million insurance fund sila para sa mga pasahero ng Metro Rail Transit.

Ito aniya ay maaring una nilang magagamit kay Angeline Fernando, ang pasahero na naputulan ng braso kamakalawa sa Ayala MRT Station.

Sinabi pa ni Chavez na kung masasakop naman ng kanilang passenger insurance policy ay sasagutin na nila ang lahat ng gastos sa isinagawang operasyon para maibalik ang naputol na braso ni Angeline.

Kasabay nito, sinabi ni Chavez na ikinukunsidera nila ang paglalagay na ng platform screen sa mga istasyon ng tren.

Ngunit ito aniya ay kailangan munang pag-aralan ng husto at magiging matrabaho.

Banggit nito ang platform screen ay maaring gawin sa LRT lines 1 and 2. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?