47

Dec 29, 2017 @ 21:40

MRT may libreng sakay sa Rizal Day

Iinihayag ng Metro Rail Transit (MRT) na magbibigay sila ng libreng sakay sa mga pasahero sa Disyembre 30 bilang pag-alala sa 121st death anniversary ng pambansang bayaning si Dr. Jose P. Rizal.

Ayon kay MRT General Manager Rodolfo Garcia ang free rides ay ipatutupad mula sa 7:00 a.m. hanggang 9:00 a.m. at 5:00 p.m. hanggang 7:00 p.m. ng Disyembre 30.

Sa mga nabanggit ng oras magbibigay ang mga tellers sa lahat ng istasyon ng free single journey tickets para sa mga mananakay.

Inilabas ang kautusan batay na rin sa kahilingan ni Acting Executive Director Ludovico Badoy ng National Historical Commission of the Philippines.

Idineklara ng Malacañang proclaimed Disyembre 30 bilang regular holiday bilang paggunita sa buhay at mga nagawa ni Rizal para sa bayan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?