39

Apr 4, 2021 @ 18:14
By

MRT, LRT, PNR limitado operasyon sa balik-biyahe

Bagama’t magbabalik biyahe na ang mga railway system sa Metro Manila, limitado naman muna ang operasyon nito para isalang ang kanilang staff sa COVID-19 testing.

Sa MRT-3, tanging 10 hanggang 12 tren lamang ang papatakbuhin, na may 372 pasahero kada biyahe.

Magkakaroon naman ng mga bus para alalayan ang dagsa ng commuter na titigil sa mga istasyon ng North Avenue, Quezon Aveniue, GMA Kamuning, Santolan, Ortigas at Guadalupe.

Sa LRT-1 naman, 17 tren lamang ang papaganahin, puwedeng sumakay ng bus ang mga maapektuhang pasahero mula Monumento hanggang EDSA.

Limang tren lang ang bibiyahe sa LRT-2, habang suspendido pa rin ang operasyon ng PNR hanggang April 8.

Magtutuloy ang operasyon nito sa April 9, kung saan 10 hanggang 12 tren lang ang papaandarin.

Matatandaan na inanunsyo ng Department of Transportation na ilang personnel ng MRT-3 ang nagpositibo sa COVID-19 bago ang Semana Santa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?