29

Jan 9, 2022 @ 14:39
By

MRT, LRT hindi PWD-friendly — De Lima

Pinuna ni Senadora de Lima ang kawalan ‘friendly facility’ railway transport system sa bansa, partikular ang Metro Rail Transit (MRT) III at Light Rail Transit (LRT), para sa mga persons with disabilities (PWDs).

Ginawa ng senadora ang pahayag matpaos mag-viral sa social media ang litrato ng isang PWD na nahihirapang umkayat sa hagdanan ng MRT Recto Station habang bibit ng dalawang security personnel ang kanyang wheelchair.

Hinikayat din ni De Lima ang Kongreso na suriin ang pagpapatupad ng kasalukuyang batas na magpoprotekta at magsusulong sa karapatan at kapakanan ng mga PWD.

“The viral photo of a person with disability who was forced to climb the stairs alone while two staff carried his wheelchair at an LRT station highlights the social inequalities in our country and the daily struggles and discrimination PWDs are subjected to due to the lack of PWD-friendly facilities,” sabi ni De Lima.

“While the effort of the two security personnel to help is appreciated, the excruciating experience of the PWD reportedly brought about by the lack of functioning elevators in the said LRT station is unacceptable. The LRT management should make sure that this will not happen again,” saad pa nito.

Dagdag pa ni De Lima: “We need to examine the level of implementation and enforcement of existing laws for PWDs, including the review of the implementation of Batas Pambansa (BP) Blg. 344 or the ‘Accessibility Law’ and the Republic Act No. 7277, or the Magna Carta for Disabled Persons.”

Sabi pa ng senadora, ang Pilipinas ay state party ng UN Convention on the Rights of People with Disabilities sapul pa noong 2008 at andiyan ang B.P. 344 at R.A.7277 na magpoprotekta at magsusulong ng karapatan at kapakan ng mga PWD. (Dindo Matining)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?