80

Mar 8, 2018 @ 12:13

MRT, LRT 2 may libreng sakay sa mga babaeng pasahero

May regalo ang Light Rail Transit (LRT)-2 at Metro Rail Transit (MRT)- 3 sa kanilang mga pasaherong babae sa pagdiriwang ng International Women’s Day.

Sa abiso ng Department of Transportation (DOTr), may libre silang sakay sa mga pasaherong babae ng MRT-3 at LRT-2 ngayong Huwebes mula alas-siyete hanggang alas-nuwebe ng umaga at mula alas-singko ng hapon hanggang alas-siyete ng gabi.

@DOTrPH: GOOD NEWS: In celebration of the International Women’s Day, MRT-3 and LRT-2 are offering free rides today, 8 March 2018, from 7AM to 9AM and 5PM to 7PM!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?