53
sherwin-gatchalian
Nov 7, 2017 @ 17:08
By

MRT isapribado na – Gatchalian

Iginiit ni Senador Sherwin Gatchalian na isapribado na ang operasyon at pangangasiwa ng Metro Rail Transit (MRT).

Ayon kay Gatchalian, hindi na dapat pagbalakan ng gobyerno na akuin ang pangangasiwa sa MRT dahil ang gobyerno ang pinakapalpak na mangasiwa ng ganitong public facility.

Napatunayan na aniya ito sa palpak na pangangasiwa ng gobyerno sa mga paliparan at sa National Power Corporation (Napocor).
“Government should completely private the O & M (operations and management) of MRT. Government is a poor operations manager. Time and time again, we have seen how poorly government operates business endeavor” ani Gatchalian.

Kinatigan naman ng senador ang pasya ng Department of Transportation (DOTr) na putulin na ang kontrata sa Busan Rail Incorporation (BURI), ang maintenance provider ng MRT.

Palpak aniya ang BURI dahil walang araw na walang aberya ang MRT sa nakalipas na 10 buwan.

“About time to kick-out BURI. With 420 plus breakdowns in the past 10 months, that’s an average of one breakdown per day. It is clear that BURI is incompetent in maintaining the MRT,” ayon sa senador.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?