27
MRT-mrtirik
Jan 15, 2018 @ 16:25
By

MRT dalawang beses tumirik, 900 pasahero nabuwisit

Mahigit 900 pasahero ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) ang nadismaya sa maagang aberya na naranasan kanina kung saan dalawng beses ito tumirik dahil para pababain ang 900 pasahero nito.

Batay sa report ng MRT management, nasa 300 psahero ng southbound ang pinababa nang tumirik ang tren sa GMA-Kamuning Station dahil umano sa electrical failure bandang 5:09 ng umaga.

Samantal, nasa 600 pasahero naman patungong southbound ng Boni Avenue Station ang nadismaya makaraang mang-inis na naman ang tren bandang 6:41 ng uamaga dahil umano sa sirang signaling system.

Ayon kay Maricel Matic, taga-Quezon City at regular na pasahero ng MRT, hindi na niya makayanan ang pang-aabuso ng tren dahil kung kailan sila nagmamadali para pumasok sa trabaho ay doon naman magloloko ang tren.

“No choice lang po talaga kaya sumasakay ako ng tren, sana naman po ay palitan na lang o huwag nang pabyahiin ang mga sirang tren para walang naaapektuhan,” ayon kay Matic.

Kaugnay nito, humihingi pa rin ng paumahin ang pamunuan ng MRT sa patuloy na pagkasira ng mga tren. (Vick Aquino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?