98

Dec 31, 2017 @ 15:05
By

MRT ‘busog’ sa spare parts – DOTr

Para agad na may pamalit sa tuwing may aberya, bumili at nag ipon na ang Department of Transportation ng mga spare parts para sa Metro Rail Train units.

Sa inilabas na pahayag ng DOTr, nakumpleto na ang unang batch ng mga spare parts para sa system’s maintenance ng MRT.

Kabilang sa nabili ng Maintenance Transition Period Bids and Awards Committee ay P8.66 milyon halaga ng rolling stock at bahagi ng mga riles na nagkakahalaga naman ng P7.33 milyon.

Ang rolling stock ay nabili sa Linkers Enterprises at ang tracks’ parts naman ay mula sa Nikka Trading.

Nabatid na nakatipid ang DOTr sa mga biniling spare parts ng halos P1 milyon dahil sa bidding. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?