15

Jun 23, 2020 @ 17:00
By

MRT bagsak ang kita

Inamin ng pamunuan ng Metro Rail Transit (MRT) 3 na bagsak ang kanilang kinikita mula nang magpatupad ng mga pagbabago sa operasyon ng tren.

Mula sa halos kalahating milyong pasahero kada araw, bumagsak sa mahigit 62 libong mga pasahero ang naseserbisyuhan na lamang ngayon ng MRT-3.

Ito ay dahil sa mahigpit na ipinatutupad na health protocol at physical distancing sa bawat biyahe ng mga tren.

Sinabi ng pamunuan ng MRT-3 na kung dati ay umaabot sa mahigit walong daang pasahero sa bawat byahe ng tren, ngayon ay mayroon na lamang itong 160 na mga pasahero.

Bagama’t nananatili sa labing walo ang tumatakbong tren sa maghapon ay hindi rin naman binawasan ang oras ng operasyon nito.

Mula naman nang magbalik operasyon ang MRT-3 ay wala pa namang naitalang aberya sa mga biyahe nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?