mrt

MRT-3 tumirik na naman, 800 pasahero pinababa

Sharing is caring!

Sa ikatlong pagkakataon ngayong taon, pumalya na naman ang Metro Rail Transit-3 (MRT-3) dahilan para pababain ang 800 pasahero sa Shaw Boulevard station kaninang umaga.

Sa ipinalabas na advisory, nangyari ang aberya kaninang alas-7:41 ng umaga dahil sa electrical failure sa motor ng tren.

Buti na lang at pagkalipas ng limang minuto ay dumating ang isa pang train para isakay ang mga pinababang mga pasahero.

Sabi ng pamunuan ng MRT, kailangan nilang palitan ang ilang electrical components ng tren para hindi pumalya ang motor nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?