82

Jan 10, 2018 @ 15:32
By

MRT-3 pinatirik ng electrical failure, 600 pasahero pinababa

Umagang-umaga ay nairita na agad ang mahigit 600 pasahero ng Metro Rail Transit (MRT-3) nang biglang magka-aberya sa unang biyahe nito sa Ortigas-Shaw Boulevard kanina.

Ayon sa pamunuan ng MRT-3, electrical failure sa southbound ang naging rason kaya pinababa at pinalipat ang mga pasahero bandang alas-5:37 ng umaga, ayon sa abiso ng Department of Transportation.

Paliwanag ng MRT management, nagkakaroon ng electrical failure kapag luma na ang mga piyesa ng motor ng tren. Nakasakay naman ang mga apektadong pasahero sa sumunod na tren makalipas ang may tatlong minuto. (Vick Aquino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?