244
ABANTE-TNT-mrt3-pnoy-gma-arroyo
Nov 27, 2017 @ 17:23
By

MRT-3 napabayaan ni GMA – Noynoy

Isinisi ni dating Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III kay dating dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang palpak na serbisyo ng Metro Rail Transit-3 (MRT-3).

Sabi ni Aquino, hindi umano pinabayaan ni Arroyo ang MRT-3 hindi sana nagdurusa ang libo-libong Pinoy na sumasakay dito araw-araw.
Ayon sa dating pangulo, noong 2008 ay nakaiskedyul sa overhaul ang MRT subalit hindi ito ginawa kaya’t lumala ang problema ng mga ten.

“Natandaan ko mayroon dapat nangyaring overhaul diyan sa MRT. Alam mo pag overhaul hindi tune up tune up lang major yung pag-aayos. Ang tanda ko 2008 hindi ginawa yun, parang malaki nang sabihin na minor overhaul pero masasabing halos walang ginawa,” pahayag ni Aquino sa isang ambush interview nang dumalaw sa puntod ng amang si dating Senador Ninoy Aquino sa Manila Memorial Park.

“So yung lifespan na dapat inabot ng MRT, na curtail nabawasan dahil hindi ginawa yung overhaul at that time,” dagdag pa nito.

Binanggit pa ng dating pangulo na hindi kakasya sa isang ‘sentence’ lang ang problemang dinatnan niya sa MRT nang maupo ito sa puwesto noong Hunyo 2010 dahil ginawang kumplikado ng dating administrasyon ang pamamahala sa tren.

Nang makipagnegosasyon umano ang Sumitomo para sa maintenance ng MRT, humirit sila ng malaking presyo at wala pang warranty dahil sa bugbog na ang tren

“Dumating yung punto na sinabi ng Sumitomo na ‘alam nyo sobra ang pagamit dito sa MRT, luma na yung signaling sytem etc so kung itutuloy namin yung maintenance nito kailangan naming taasan ang presyo at pagkatapos namin tinaasan ang presyo dahil sobra sobra ang paggamit nyo din a rin namin kayo bibigyan ng warranty, ’”kuwento ng dating pangulo hinggil sa dinatnan niyang problema sa MRT.

Isinisisi ng mga kapanalig ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga dating kalihim ng Department of Transportation and Communication (DOTC) ang problema ngayon ng MRT.

Naghain pa ng plunder case sa Ombudsman ang Department of Transportation (DOTr) laban sa siyam na miyembro ng gabinete ni Aquino dahil sa umano’y maanomalyang kontrata sa Busan Universal Rail Inc.(BURI), ang sinipang maintenance contractor ng MRT-3. (Tonite Reportorial Team)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?