17

May 29, 2020 @ 17:01
By

MRT-3 nakahanda na sa pagbabalik operasyon

Handa na ang MRT-3 sa pagbabalik operasyon nito sa Hunyo 1.

“Ready na tayo. nagsa-simulation kami. As early as 5:00AM, mag-a-accommodate na tayo,” ayon kay DOTr MRT-3 director for operations Michael Capati.

Gumagana umano ang mga elevator pero may ilang escalator na hindi pa naayos dahil sa delay na delivery ng spare parts dahil sa pandemya.

Aniya, “Functional naman po lahat ng elevators natin. ‘Yung escalators, may dalawa pang hindi matatapos dahil ang spare parts ay hindi na-deliver because of COVID-19.”

“Sa nakaraang 2 buwan naman, continuous ang maintenance namin. ‘Yun ngayon hanggang Linggo ang testing natin,” ani Capati.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?