100

Oct 31, 2017 @ 11:58

MRT-3 nagkaaberyang muli, mga pasahero pinababa ng tren

Nagkaroon muli ng aberya ang Metro Rail Transit (MRT) 3 ngayong Martes.

Sa Twitter account ng Department of Transportation (DOTr), inihayag na pinababa nila ang mga pasahero ng MRT sa northbound line sa Ayala Avenue, Makati City kaninang alas-8:28 ng umaga dahil sa problemang teknikal.

Humingi ng paumanhin ang DOTr para rito.

Nasa Category 3 ang insidente na nangangahulugan na inalis ang tren nang walang kapalit.

Alas-10:00 ng umaga, sinabi ng DOTr na 11 tren ang gumagana.

Sa website ng MRT-3, makikita na halos araw-araw ay may mga aberya sa operasyon nito. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?