194

Oct 23, 2017 @ 15:01

MRT-3 naantalang muli sa ‘diaper’

Isang malaking aberya at abala sa mga mananakay ng Metro Rail Transit (MRT-3) ang idinulot ng ‘diaper’ na nakitang nakasabit sa kawad ng kuryente sa bahagi ng Ayala-EDSA station kaninang umaga.

Ayon kay Transportation Undersecretary for Railways Cesar Chavez, tinatayang nasa 500,000 mga pasahero ang naapektuhan ng pagtigil ng tren sa operasyon ng north at south bound sa pagitan ng Taft Avenue at Boni stations.

Bandang alas-6:16 ng umaga kinailangang itigil ng pamunuan ng MRT ang biyahe ng tren dahil sa may naghagis umano ng diaper sa kawad ng kuryente nito.

Naibalik ang operasyon ng MRT bandang alas-7:43 ng umaga matapos alisin ang nakasabit na diaper.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad kung sino ang responsable sa insidente na nagresulta sa pagkaantala ng biyahe ng MRT-3. (Vick Aquino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?