54

Dec 21, 2017 @ 12:59
By

MRT-3 muling tumirik sa 1-oras pa lang na biyahe

“Heto na naman po” ang kadalasang naririnig kapag nakasakay ka ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) na biglang tumirik. Sawang-sawa na nga ang mga commuters ng tren subalit wala silang magawa, ‘ika nga ‘no choice’ kasi mabilis ang tren at iwas pa sa traffic.

Muli na naman kasing nagkaaberya bandang alas-6:10 ng umaga na halos may isang oras pa lang nagbukas ng operasyon ang MRT ay may isa na namang tren ang tumirik sa umagang pagmamadali ng mga pasahero sa southbound ng GMA-Kamuning station na may sakay na 1,000 pasahero.

Sagot ng management ng MRT, dahil sa electrical failure at technical problem uli sa motor ng tren nila ang rason.

Dagdag pa nito, ang sanhi ng electrical failure ay dahil sa pagkatanggal na naman ng electrical sub-components na posibleng nasa insulators, regulator, chopper at carbon brush.

Sa anim na minutong pagkaantala ay muli namang nakasakay ang mga commuter at umasang hindi na masira uli dahil aabutin na sila ng rush hour kung bababa sila ng EDSA. (Vick Aquino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?