48

Dec 26, 2017 @ 14:51
By

MRT-3 muling tumirik dahil sa electrical failure

Tila araw-araw nang nasisira ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) at kahit bisperas, araw ng Pasko at pagkatapos ng Pasko ay muli na namang nairita ang mga commuters ngunit inalala pa rin ang matinding trapik sa EDSA kaya tiis pa rin sila sa tren.

Kanina ay muling tumirik ang tren bandang alas-5:48 ng umaga kung saan kakabiyahe pa lang ng unang tren sa southbound ng Shaw Boulevard Station dahil umano sa ‘electrical failure’.

Nagkaaberya naman sa araw ng Pasko kung saan tumirik ang tren sa Quezon Avenue Station bandang alas-4:33 ng hapon dahil naman umano sa overloading. Posible umanong nasira ang tren sa pagdagsa ng mga pasahero.

Bisperas naman ng Pasko ay naantala at nagpababa ng mga pasahero sa North Avenue station bandang alas-6:50 ng gabi dahil pa rin sa technical problem.

Sa kabila nito, patuloy pa rin ang paghingi ng paumanhin ng pamunuan ng MRT at ng DOTr sa mga naantalang biyahe ng tren at sinabing asahan umano ang pagbabago ng sistema sa 2018.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?