14

Jun 10, 2021 @ 10:49
By

MRT-3 libre sakay sa Araw ng Kalayaan

Maghahandog ng libreng sakay ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa mga pasahero sa Sabado, June 12.

Ito’y bilang selebrasyon ng ika-123 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan sa Pilipinas.

Ang libreng sakay ay gagawin mula alas-7 ng umaga hanggang alas-9 ng umaga, at alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?