24
mrt3
By

MRT 3 isasailalim sa overhaul – Palasyo

Sharing is caring!

Kumikilos na ang gobyerno partikular ang Department of Transportation (DOTr) para mapaganda ang serbisyo ng Metro Rail Transit 3 mula sa araw -araw na kapalpakan at araw-araw na kunsumisyong idinudulot sa milyon-milyong commuters.

Sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque na ipinabatid sa kanya ni Transportation Secretary Arthur Tugade na mayroon na silang ginagawang mga aksiyon para makabawi sa mga pasaherong dumanas ng sakripisyo sa mga depektibong train ng MRT 3.

Kabilang aniya dito ang paghahanap ng matinong maintenance contractor para hindi na maulit ang mga problemang dinaranas ngayon sa bawat pagtakbo ng mga bagon at maglalagay din ng mga bagong riles at bibili rin aniya ng mga bagong bagon at signalling system.

Tiniyak ng kalihim na magkakaroon din ng “safety audit” para matiyak ang kaligtasan ng mga pasaherong sasakay sa MRT trains.

“I had the occasion to confer with Secretary Tugade on the positive steps taken to improve MRT-3. He assured me that they are going to procure a reliable maintenance contractor; they’re building new rails. They’re buying new train cars and new signaling system ‘no. They are in other words revamping almost completely the MRT,” ang pahayag ni Roque.

Batid ng Palasyo na maraming problema at depekto ang operasyon ng MRT 3 kaya ginagawa na ngayon ni Tugado ang mga hakbang para malutas ang mga matagak ng problema , kasama na rito ang pagsasampa ng kaso sa mga nagpabayang dating mga opisyal para mapanagot ang mga ito. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?