59

By

MRT-3, ‘di na masisira sa bagong maintenance provider – DOTr

Tiniyak ng Department of Transportation (DOTr) na magkakaroon ng maayos na serbisyo ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) bago matapos ang taon dahil sa inaasahang pagpasok ng bagong maintenance provider.

Ayon kay DOTr Undersecretary for Railways Timothy John Batan, tuloy na sa pagdating ngayong buwan ng Mayo ang bagong rehabilitation and maintenance service provider ng MRT, kaya asahan na umano ang maayos na serbisyo.

Sa kabila ng kaliwa’t kanang batikos sa pagkakaroon ng aberya ng MRT-3, hindi na muling masisira pa ito dahil sa pinagkakatiwalaang maintenance provider na hindi na kailangan pang maghagilap ng spare parts dahil siniguro ng Sumitomo Corp. at ang technical partner nito na Mitsubishi Heavy Industries ang sasagot sa anumang aberyang posibleng maganap sa MRT.

“Better by the end of the year, maibabalik po natin ang reliability natin. Three years po ang rehab program. It’s a total rehab po,” ayon kay Usec. Batan.

Sa ngayon ay mayroon lamang 10 tren ang MRT na bumibiyahe sa araw-araw pabalik ng norte hanggang Taft stations na nagkakaroon pa ng aberya at nagpapababa ng mga pasahero.

Hindi na umano maiiwasan pa ang mga aberya dahil sa kalumaan ng mga tren at kakulangan ng spare parts dahil hindi nai-provide ng dating Busan Universal Rail, Inc. kaya umano nagkaroon ng problema sa mga tren.

Ngunit ngayon ay asahan ang malaking pagbabago ng mga tren ng MRT sa pagpasok ng Sumitomo Corp.-Mitsubishi na posibleng maramdaman bago matapos ang taon at pagpasok ng 2019. (Vick Aquino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?