16

By

MRT, 22 araw nang walang pagtirik

Sharing is caring!

Umabot na sa 22 araw na walang naranasang aberya o pagtirik ang mga pasahero sa kanilang pagbiyahe ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).

Ayon sa pamunuan ng MRT-3, simula ng matagalang maintenance na naganap noong Semana Santa kung saan sunud-sunod ang pagdating ng bagong spare parts ay seryosong inayos na ang mga tren ng MRT-3.

Paliwanag ni media affairs head Aly Narvaez, naitala ang pinakamatagal na walang aberya sa biyahe ng MRT-3 mula 2011.

Noong 2014, nasa 13 araw ang pinakamahabang panahon na walang naging aberya sa biyahe ng MRT-3 at ngayong Abril at Mayo, 2018 ay nagkaroon uli ng magandang record ang tren.

Nabatid na ang 18 tren na bumibiyahe sa MRT ang pinakamataas na bilang ng tren nai-deploy simula noong Nobyembre 2017.

Samantala, inaasahan ng Department of Transportation (DOTr) ang magaganap na kasunduan para sa rehabilitasyon ng MRT-3 mula sa tulong ng Japan International Cooperation Agency ngayong Hunyo 2018.

Aabutin ng mahigit tatlong taon ang magaganap na rehabilitasyon ng mga tren, kabilang na ang air-conditioning, signaling at power systems nito, gayundin ang mga CCTV, elevator at escalator.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?