67

Jul 13, 2021 @ 11:45

‘Mr. M’ Johnny Manahan Kapuso na!

Ganap nang Kapuso ang kilalang starmaker na si ‘Mr. M’ Johnny Manahan.

Naganap ang virtual contract signing nitong Martes, kasama sina GMA Network Chairman at CEO Atty. Felipe L. Gozon, President at COO Gilberto Duavit, Jr., pati si Executive Vice President at CFO Felipe Yalong.

Si Manahan ang magsisilbing bagong consultant ng GMA Artist Center.

Ang batikang talent expert ay 50 taong nagsilbi sa ABS-CBN bago ito umalis kasunod ng hindi pag-renew ng prangkisa ng Kapamilya network.

Nagsilbi si Manahan bilang head ng Star Magic, na pinanggalingan ng maraming sikat na artista sa henerasyon ngayon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?