87

By

Mr. And Ms. Chinatown Philippines ipalalabas sa Kapamilya network

Sharing is caring!

Dalawampu’t walong Filipino-Chinese na binata’t dalaga ang maghaharap upang makuha ang titulong ‘Mr. and Ms. Chinatown Philippines’ na nakatakdang umere sa Setyembre 9 sa ABS-CBN.

Ang mga dalagang kalahok ay sina Rachel Rialubin Tan, Shiela Mae M. Tan, Lara Christle Ching, Chinzen Viernes, Sabrina Ng, Jann Caitlin N. Jao, Frances Que, Marie Que, Judie Chang, Carly Chua, Patricia Ann Tan, Danica Jade Yao, Mikel Villamora, at Chrizelle Anne So.

Samantala, ang mga binatang sasabak ay sina Robert Tanchip, Ryan Aaron Y. Balila, Lance Oliver B. Gan, Renz Wycliff Manabat, Kyle Dustin C. Yeung, Moises Limyuen, Brian Christopher Gocheco, Martin Leonard Chua, Lawrence Chua, Jason Dy Tan, Marc Ferdinand Lee Gan, Matthan Michael Yu, Joel Chang, at Ian Tan.

Magsisilbing host sina Robi Domingo, Gretchen Ho, Janeena Chan, at Willord Chua. Mapapanood ang coronation night matapos ang ‘Gandang Gabi Vice’.

Nagpirmahan ng kontrata ang ABS-CBN at Fil-Chi Media Productions, Inc. noong Agosto 30 para sa pag-ere ng patimpalak. Dumalo sa pirmahan ng kontrata sina ABS-CBN chief operating officer ng Broadcast Cory Vidanes, head ng Finance for Broadcast at INCA Catherine Lopez, head ng Programming, Content Monitoring at On-Air Management Ralph Menorca, president ng Fil-Chi Media Productions, Inc. na si Alvin Kingson Tan, Miss Chinatown Foundation chairman Wilson Agbayani, at Fil-Chi Media Productions, Inc. chief operating officer Loraine Tan.

Bahagi ang Miss Chinatown Foundation sa pagbuo ng pageant ngayong taon kasama ang mga sponsor na Tak Chun Group at ang Federation of Filipino-Chinese Chamber of Commerce and Industry Inc.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?