16

Sep 12, 2021 @ 16:01
By

MPL player Rafflesia sapul ng COVID

Isiniwalat ng tank na si Christian ‘Rafflesia’ Fajura na tinamaan siya ng COVID noong nakaraan pang linggo na pumilay sa pwersa ng ECHO Esports sa MPL Season 8.

“Sa mga nagtatanong kung bakit ‘di ako nakikita sa camera, COVID positive po ako,” pahayag ni Rafflesia ngayong Linggo. “Last week pa po kaya di ako naglaro last week.”

Si Rafflesia ang nanguna sa Week 1 ng ECHO kung saan nagwagi sila ng dalawang serye. Ngunit sa kanyang kawalan noong Week 2 ay lumasap ang ECHO ng dalawang dikit na talo habang si Jay ‘Jaymeister’ Torculas ang humalili sa kanyang posisyon.

“Sa dami daming mangyayari sa buhay ko, di ko inaasahan na mag popositive ako,” dagdag pa ng 23-anyos na two-time MPL champion. “Napakamaingat at napakalinis ko pong tao. Nag iingat ako di para sakin, kundi para sa pamilya at mga mahal ko sa buhay.”

Nitong Sabado ay lumaro si Rafflesia upang isalba ang koponan kahit nasa hiwalay na kwarto ngunit lumigwak pa rin ang ECHO laban sa NXP Evos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?