20

Jun 22, 2020 @ 15:12
By

MPD tumanggap ng 20 bagong sasakyan

Natanggap nitong Lunes ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang may 20 bagong mobile patrol car para mapalakas ang police visibility sa lungsod.

“This will boost our effort particularly in the Manila Police District (MPD) with regards to the peace and order situation,” aniya.

Nagpasalamat ang alkalde sa Federation of Filipino Chinese Chamber of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) para sa donasyon.

Maliban sa mga patrol car, anim pang mga tactical vehicle ang nakatakdang dumating para naman sa Special Weapons and Tactics (SWAT) team.

Dahil dito, mas madali raw na makakaresponde at mahaharang ang mga salarin at hindi basta-basta makakalabas ng Maynila.

Dagdag ni Domagoso, makakatanggap ng tig-isang patrol car ang 11 na presinto sa lungsod.

Samantala, masaya si Domagoso sa performance ng MPD dahil sa nakalipas na tatlong buwan ay 21 top criminal ang nadakip nito na may kasong rape, murder at iba pang heinous crimes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?