By

MPD tiniyak na walang banta sa prusisyon ng Black Nazarene

Sharing is caring!

Tiniyak ni Manila Police District (MPD) Director Chief Supt. Joel Coronel na walang indikasyon ng aktuwal o direktang banta sa gagawing prusisyon ng Poong Itim na Nazareno sa Enero 9.

Ayon kay Coronel, ito ay batay na rin sa mga idinaos na serye ng coordinating conference ng pulisya sa iba’t ibang mga intelligence agencies kagaya ng National Intelligence Coordinating Agency, Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines, intelligence component ng Philippine Army, Philippine Navy, PNP at maging ng National Bureau of Investigation.

Ang mga pagpupulong ay sinimulan noon pang Disyembre hanggang nitong Enero 3.

Magkagayunman, tuloy-tuloy pa rin ang ginagawang monitoring ng intelligence community.

May mga operasyon din na isinasagawa para matugunan at mapaghandaan ang anumang posibleng threat scenario.

Kasabay nito, nananawagan din si Coronel sa publiko na makipagtulungan sa mga otoridad.

Kung mayroon umanong kahina-hinalang makikita ay agad itong ipagbigay-alam sa kinauukulan para agad na maaksiyunan. (Rick Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?