80

May 4, 2018 @ 9:04
By

MPD nakaalerto sa simula ng kampanya ng barangay, SK elections

Nakaalaerto ngayon ang buong puwersa ng Manila Police District para bantayan ang pangangampanya ng mga kandidato sa barangay at Sangguninang Kabataan elections simula ngayong araw.

Sa panayam, sinabi ni P/Supt Erwin Margarejo, ang tagapagsalita ng MPD, mayroong 896 na barangay sa lungsod na kanilang tutukan kaya 24-oras na nakamatyag ang mga pulis sa 11 himpilan na kanilang nasasakupan.

Pinaigitng pa aniya nila ang paglalagay ng mga checkpoint lalo na sa gabi at may nagsasagawa rin ng mga foot patrol at mobile patrol lalo na sa mga lugar na itinuturing na itinuturing na Areas of Concern.

Patuloy din aniya na pinag-aaralan ang parameter sa ilang lugar kung dapat na mailagay sa watchlist, areas of concern o kung maituturing na hotspot ang lugar na kanilang tututukan.

Nakikipag-ugnayan din aniya ang ugnayan ng pulisya sa Commission on Elections na nangangasiwa ngayon ng halalan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?