8
ABANTE mpd manila police district alert

MPD naka-heightened alert na sa pista ng Sto. Niño

Sharing is caring!

Muli na namang naka-heightened alert ang Manila Police District (MPD), isang linggo bago ang pagdiriwang naman ng pista ng Sto. Niño pagkatapos ng kapistahan ng Itim na Nazareno.

Ayon kay MPD spokesman Supt. Erwin Margarejo, magpapatupad muli sila ng mahigpit na seguridad at dodoblehin din ang ide-deploy na mga pulis sa mga lugar na pagdarausan ng kapistahan partikular na sa Pandacan at Tondo.

Nauna nang nagpahayag ng kahandaan sa nalalapit na pista ang Manila Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC).

Ayon kay MDRRMC Director Johnny Yu, mahigit 100 tauhan ang ipapakalat nilang habang nakaantabay ang quick response team at mga ambulansiya.

Bilang bahagi ng pagdiriwang, simula sa darating na linggo ay magkakaroon na ng Buling-Buling Festival, street dance presentation at banal na misa bago ang dumating ang petsa ng pista ng Sto. Niño mula Enero 20-21.

Ayon sa MPD, wala namang banta silang nakikita at nakiusap sa mga deboto na maging disiplinado at iwasan ang gulo sa selebrasyon ng kapistahan ng batang Jesus.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?