42

Mar 23, 2018 @ 12:00
By

MPD naglabas ng travel tips ngayong Semana Santa

Nagpahayag ng mahahalagang panuntunan o travel tips ang Manila Police District (MPD) sa mga magbibiyahe o magbabakasyon sa mga lalawigan at iba pang lugar sa harap na rin ng ginugunitang Mahal na Araw.

Pinaliwanag ni MPD Spokesman Supt. Erwin Margarejo na ngayong panahon ng Kuwaresma, kabilang din sa mga magtitika at magninilay ang mga alagad ng batas gaya ng mga pulis.

Ngunit tiniyak ni Margarejo na kahit na Kuwaresma ay nananatiling nasa ilalim ng full alert status ang Philippine National Police.

Kabilang sa mga paalala o travel tips ng MPD partikular sa mga magbibiyahe, na maagang magtungo sa mga terminal ng mga sasakyan. Walong mahahalagang punto ang inilabas ng MPD kaugnay ng travel tips o gabay sa paglalakbay dahil nagsimula na ang pagdagsa ng mga bakasyunista sa mga terminal ng bus at mga pantalan.

1. Ingatan ang dalang tickets at pasaporte.

2. Iwasan ang pagsusuot ng alahas at pagdadala ng mga gadgets lalo na yaong mamahalin.

3. Kailangan aniya na kaunting gamit lamang ang gamitin o dalhin upang hindi gaanong maging sagabal sa pagbibiyahe.

4. Sa mga may sariling sasakyan, muling pinaalala ni Margarejo ang tinatawag na BLOWBAG o pagsuri sa battery, light, oil, water, brakes, air at gas, at maging alerto sa mga mandurukot.

5. Kabilin-bilinan din na laging dalhin ang IDs, alamin ang first aid station at ang police assistance desk.

Samantala, tiniyak ni Margarejo na mananatiling nagpapatrol ang MPD lalo na sa mga lugar ng sambahan at cathedral para mabantayan ang mga magbibisita iglesia.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?