24

Feb 12, 2018 @ 10:51
By

MPD alerto sa Valentine’s Day, Chinese New Year

Paiigtingin ng Manila Police District ang seguridad sa ibat-ibang lugar sa lungsod ng Maynila para sa pagdiriwang ng Valentine’s Day kasabay ang pagsisimula ng panahon ng kuwaresma.

Ayon kay MPD Director Chief Supt. Joel Coronel, partikular na babantayan ng operatiba ng Manila Police ang mga simbahan sa archdiocese of Manila kung saan may mga gaganaping misa at recollections sa Pebrero 14, Ash Wednesday.

Ito rin aniya ang simula ng mga preliminary activities para sa selebrasyon ng Chinese New kaya’t magpapakalat sila ng 1,200 police personnel sa Binondo hanggang Divisoria.

May augmentation force din aniya na itatalaga sa PCP 2,3 at 11 kung saan sentro ng aktibidad ay ang Lucky China Town. Ito daw kasi ang pinakamalaking China Town sa buong mundo.

Dahil dito, sinabi ng hepe ng MPD na magpapakalat din nila ang mga k-9 units at operatiba ng Explosive ordnance division sa paligid ng China Town lalot inaasahang dadluhan ito ng mga VIPs.

Tututukan din ng MPD ang Lucky China town mall kung saan magkakaroon ng fireworks display sa hatinggabi ng February 16.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?