66

Feb 5, 2020 @ 18:48
By

MPBL: Yee, Reyes bida sa botohan ng All-Star

Nanguna sa botohan ng mga fan sina Mark Yee at Jai Reyes para sa starters sa paparating na 2019-20 Chooks-to-Go MPBL Lakan Cup All-Star Game.

Umani ng 73 porsyento ang dating MVP runner-up na si Yee upang makaupo sa top spot na magrerepresinta ng Southern Division All Star.

May average na 15.3 points at 11.8 rebounds si Yee sa kasalukuyan para sa Davao Occidental Tigers na may 24-4 win-loss record.

Kumolekta naman ang pambato ng Northern Division na si Jai Reyes ng Nueva Ecija Rice Vanguards ng 67.8 porsyento sa fan voting para pangunahan ang nasabing dibisyon. Nag-a-average siya ng 12.2 points, 6.2 assists at 3.1 rebounds.

Kabilang sa South Division players ang dating Datu Cup All-star MVP na si Jeff Viernes ng Batangas, NCAA scorer Allyn Bulanadi ng Basilan-Jumbo Plastic, dating MVP Gab Banal ng Bacoor at ang big man ng Cebu-Casino Ethyl Alcohol na si Will McAloney.

Kaagapay naman ni Reyes sa North Division sina Michael Juico ng Pampanga, John Wilson ng San Juan-Go for Gold, dating Datu Cup Defensive Player Aris Dionisio ng Manila-Frontrow at 1 Bataan-Camaya Coast big man Ryan Batino.

Coach ng North si Randy Alcantara ng San Juan habang si Don Dulay ng Davao ang mamando sa South All-Star.

Gaganapin ang All-Star Game sa darating na February 13 sa SM Mall of Asia Arena.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?