116

By ,

MPBL: Yee lumagare ng double-double sa Tigers

Wala sa plano ng Davao Occidental Tigers ang magpatalo kahit pa sa sariling bahay ng tropang kaharap nito.

Pinahiya ng Tigers ang Bacoor Strikers at daan-daan nitong tagahanga nang padapain sila nito 69-50 sa Maharlika Pilipinas Basketball League Datu Cup Huwebes ng gabi sa Strike Gymnasium.

Muling pinoste ni dating pro Mark Yee ang kanyang double-double finish nang rumehistro ito ng 17 puntos at 11 rebounds habang umayuda naman si Leo Najorda ng 16 na puntos. May 10 puntos naman na ambag si Billy Robles.

Depensa ang isa mga susi sa tagumpay ng Tigers ng malimitahan nito ang ilang manlalaro ng Strikers at tanging Gab Banal lamang ang nakatapos ng 11 puntos sa tropa.

Nalimitahan din ng Tigers ang field goal percentage ng Strikers ng tumapos lamang ito 29 percent mula sa field. (20-of-68).

Patatag ng patatag ang kapit ng Tigers sa unang pwesto ng Southern division tangan ang 14-3 na win-loss records habang ito naman ang ikatlong sunod na talo ng Strikers na hawak ang 8-8 na karta at kasosyo ang Paranaque sa ikaapat na pwesto.

Sa unang laro, balik sa porma sina Jan Patrick Cabahug at Cebu Sharks nang matalo nito ang Pasay Voyagers, 76-61

Nasakmal ng Sharks ang ikapito nitong panalo sa 18 laro pero napako pa rin sila sa ika-10 sa south.

Nanguna sa Sharks si Rhaffy Oktubre nang pumoste ito ng 17 puntos, 13 rebounds at tatlong assists.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?