768

MPBL: Walang Banal, Sumalinog pero Bacoor Strikers naka-5 sunod

Kulang sa taong sumabak ang Bacoor nitong Biyernes kontra Caloocan Supremos, pero hindi ito naging hadlang sa Strikers para pahabain sa lima ang kanilang ratsada sa MPBL Lakan Season sa Caloocan Sports Complex.

Bagama’t wala sina head coach Chris Gavina at key players team captain Oping Sumalinog at reigning MVP Gab Banal, naitakas pa rin ng Strikers ang 95-94 overtime win.

“Sadyang masarap ang pakiramdam. Sulit ang pagod ng ating koponan. Lalo pa at nakikita ko po ang mga Bacooreños na naliligayahan. Patuloy po nating pag-iigihan pa. Alay po namin ito sa bawat Bacooreño,” pahayag ni team owner at Bacoor, Cavite Rep. Strike Revilla kaugnay sa init ng kanyang Strikers sa torneong binuotournament put up by Senator Manny Pacquiao with PBA legend and former MVP Kenneth Duremdes serving as commissioner.

Wala si Gavina dahil bahagi ito ng Rain or Shine Elasto Painters na sumabak sa San Miguel Beermen sa Cagayan de Oro City habang si Banal ay kabilang naman sa Mighty Sports squad sa William Jones Cup tournament sa Taipei.

Si Sumalinog, um-attended sa kasal ng kapatid.

Sa kabila nito, pumutok sa Strikers sina Michael Mabulac, Michael Cañete, RJ Ramirez, Mark Montuano at Rocky Acidre.

Katulad ng Bacoor, panalo rin ng ika-apat na dikit ang Makati 76-69 kontra Bataan Risers, habang pasok na sa win column ang Muntinlupa nang daigin ang SOCCSKSARGEN, 58-55.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?