18

By

MPBL: Villarias inangat ang Bataan Risers

Sharing is caring!

Patuloy sa pag-angat ang Bataan Risers sa pagdribol ng ika-12 panalo sa 13 laro sa Maharlika Pilipinas Basketball League Datu Cup.

Tinambakan ng Risers ang Basilan Steel, 108-77, Lunes ng gabi sa Angeles University Foundation Arena sa Pampanga.

Nanguna sa Bataan si dating professional player Byron Villarias na tumapos 23 puntos habang si Pamboy Raymundo ay may 15 puntos. Bumakas si Gary David ng 14, nag-ambag ng 10 puntos si Vince Tolentino.

Dinomina ng Bataan ang laro at pumoste ang tropa ng 52 puntos sa paint habang ang bench ay umalalay ng 42 points kontra sa 24 lamang ng Steel.

Maging rebounding department ay kinontrol din ng Bataan, humablot ito ng 59 rebounds.

Ito na ang ikaapat na sunod na pagkatalo ng Basilan na bitbit ang 4-9 win-loss record.

Nanguna sa kanila sina dating Sta. Lucia player Dennis Daa na may 25 puntos at Jojo Tangkay na may 13 puntos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?