21

By

MPBL: Viernes nagpakilala agad sa Batangas, pinadapa ang Mandaluyong

Sharing is caring!

Sa unang pagsalang ni Jeff Viernes sa Maharlika Pilipinas Basketball League Datu Cup, agad na naramdaman ang presensya nito ng tulungan ang Batangas City Athletics na padapain ang Mandaluyong El Tigre, 61-57, Huwebes ng gabi sa Jose Rizal University Gym.

Tumapos ito ng 13 puntos, 11 ay galing sa second half, para itarak sa Athletics ang 5-6 na win-loss record.

Ito naman ang ikalawang talo ng El Tigre sa sarili nitong balwarte at patuloy ang pagsadsad nito tangan ang 6-4 na baraha.

Huling naglaro si Viernes sa PBA D-League Foundation Cup sa ilalim ng Che’lu Bar and Grill at naging two-time Finals-MVP rin ito sa Pilipinas Commercial Basketball League.

Para kay Batangas coach Mac Tan, nakapagdagdag aniya ng tapang sa tropa ang pagdating ni Viernes at talaga aniyang malakas ito.

“He only had a one day practice with us, pero ang laki ng epekto niya sa team,” wika ni Tan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?