32

By

MPBL: Unang panalo, nasungkit ng Basilan

Sharing is caring!

Sobrang napasaya si Basilan Steel coach Joseph Romarata nang makuha ng koponan ang kanilang unang panalo sa Datu Cup ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) sa Stike Gymnasium sa Bacoor, Cavite.

Ang 25 puntos ni Dennis Daa ang nagpausad sa 86-76 victory ng Basilan kontra Cebu City Sharks.

Ito ang kauna-unahang panalo ng Basilan simula nang sumalang ang koponan sa kasalukuyang komperensiya.

“We were really happy kasi ang daming nangyari sa team, ang daming samaan ng loob, ang daming downs at ang daming nagsabi na hindi namin kaya,” sabi ni coach Romarata.

Aniya, ang kanilang pagkapanalo ay malaking importansiya para sa koponan maging sa kanilang bayan.

“Hindi lang ito panalo pang-personal, it’s a big win for the province of Basilan. Who will imagine Basilan will win in any game,” sabi ni coach Romarata.

“All the negative publicity about Basilan I hope this will be a new start na mapapalitan ‘yung thinking nila about Basilan na we are still winners,” dagdag pa niya.

Matinding praktis daw ang iaalay ng Basilan para sa kanilang sunod na kalaban na Pampanga Lanterns sa Miyerkoles, Hulyo 25 sa Bulacan Capitol Gymnasium.

“Hindi kami nagmamadaling manalo ang importante ay progressing ‘yung team. We need to work hard, it’s just our first win,” sabi pa ng coach. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?