156

By

MPBL tungo sa nationwide league

Sharing is caring!

Sa pagbubukas ng ikalawang season ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL), mabilis itong kumalat at naging popular sa basketball fans.

Nagsimula sa pa-liga sa General Santos City ang sumisikat na semi-professional league.

“Itong MPBL kasi, the original name is Manny Pacquiao Basketball League, and we piloted it sa GenSan. Nag-pilot kami ng ten seasons, parang pa-liga ko lang doon tapos open siya and maraming sumali. Nagkaroon kami ng 18 teams, hanggang ten seasons ‘yun, ang premyo namin ay 1 million,” sabi ni Pacquiao.

Matapos makitaan ng potensiyal ang liga, nagdesisyon ang eight-division boxing world champion at Philippine Senator na si Pacquiao na dalhin sa susunod na lebel ang liga.

“Maganda naman ‘yung resulta, tapos pinag-aralan ko nang mabuti kung ano ‘yung mga dapat gawin, ‘yung titignan natin, and then nu’ng na-complete ko ‘yung ten seasons, in-apply ko sa national, i-apply ko, ila-live ko sa TV,” sabi pa ni Pacman.

Nagpasiya si Pacquiao na palitan ang ‘Manny Pacquiao’ ng ‘Maharlika Pilipinas’ upang maiwasan ang political issue.

“Nagsimula lahat sa isang pangarap, na mabigyan ng pagkakataon ang mas maraming Pilipino na makapaglaro ng basketball sa professional level…” sabi pa ni Pacquiao. (Anne Lorraine Gamo)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?