12

By

MPBL: Taganas, Napoles sinandalan ng Bulacan

Sharing is caring!

Nakahinga sa dulo ang Bulacan Kuyas matapos alpasan ang Pampanga Lanterns, 67-65, sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Datu Cup, Lunes ng gabi sa Angeles University Foundation sa Angeles City, Pampanga.

Akyat sa 9-5 panalo-talo kartada ang sa Northern Division habang ang Lanterns naman ay may 5-10 sa parehong dibisyon.

Sinandalan ng Kuyas sina Jay-R Taganas at Jorey Napoles na nagbigay ng crucial basket sa endgame.

Nanguna para sa Kuyas si Napoles na may 14 puntos, siyam na rebounds at tatlong steals habang si Taganas naman ay may walong puntos at 12 rebounds.

Sa huling minuto ng laro ay nakalamang ang Kuyas, 65-61, sa tulong ng tira ni Taganas pero agad na nakuha ng Lanterns ang unahan sa basket ni Levi Hernandez.

Sa huling 37 segundo ng laro ay naiangat pa ng Kuyas ang kalamangan sa 67-63.

May pagkakataon sanang maibaba sa dalawa ang hinahabol ng Lanterns pero bigo si Jimbo Aquino na ipasok ang dalawang free throws pero agad bumawi si Hernandez nang ibaba ang kalamangan sa 67-65 sa huling 15 segundo.

May pagkakataon sana ang Lanterns na maipanalo ang laro pero kinapos ang tres ni Pari Llagas at dito na tuluyang naselyuhan ng Kuyas ang panalo.

Nanguna sa Lanterns si Levi Hernandez na may 25 puntos at anim na rebounds.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?