61

Jul 26, 2018 @ 14:52
By

MPBL: Taganas-Melano sabwatan kontra Parañaque Patriots

Muling inangkin ng Bulacan Kuyas ang No. 6 spot ng North Division sa elimination round ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) nang maitarak nila ang 77-58 homecourt victory laban sa Parañaque Patriots, Miyerkules ng gabi sa Bulacan Capitol Gymnasium.

Pinatunayan nina JR Taganas at Jason Melano ang kanilang husay bilang two-way players na parehong may double-double na marka para umakyat sa 3-1 ang win-loss record ng Kuyas.

Tumapos ng 14 points at 10 rebounds ang undersized center na si Taganas habang rumehistro naman ng 12 points at 10 boards ang former pro na si Melano.

“Shaq (Taganas) and Jason are two good two-way players and they’ve proven that they could be an asset to this team,” saad ni Bulacan coach Britt Reroma.

Ito ang second straight win ng Bulacan sa Datu Cup at balak ng koponan na mapanatili ang kanilang winning run sa mga susunod pang games.

Samantala, nanatili pa rin sa No. 2 spot ng South Division ang Parañaque na may 2-2 marka. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?