124

By

MPBL: Supremos buhay pa sa playoffs

Hindi pa tapos ang laro at laban ng Caloocan Supremos para sa playoffs ng Maharlika Pilipinas Basketball League Datu Cup.

Sa harap ng daan-daan nilang tagahanga, binuhay ng Supremos ang pag-asa nitong makapasok sa playoffs nang masungkit ang 78-62 panalo kontra Pampanga Lanterns Miyerkoles ng gabi sa Caloocan Sports Complex.

Sinandalan ng Caloocan ang pinagsamang puwersa ng mga dating professionals na sina Paul Sanga at Almond Vosotros para ibigay sa tropa ang ikalimang panalo sa 17 laro.

Rumehistro ng pinagsamang 45 na puntos sina Sanga at Vosotros, mas mataas pa sa 70 percent na output ng koponan.

Humalimaw din ang dating Far Eastern University at Kia player na si Sanga sa three-point range nang tumapos ito ng anim na tres.

Samantala, tumapos din ng double figures para sa Lanterns sina Levi Hernandez at Michael Juico na may tig 17 at 15 puntos sa kanilang pangalan.

Laglag sa ika-10 pwesto ang Lanterns sa northern division ng liga matapos nitong malasap ang ika-11 talo sa 18 laro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?