679

Jul 8, 2019 @ 17:05
By ,

MPBL: Santos, Garrido palag sa SOCCSKSARGEN Marlins

Isa man ang SOCCSKSARGEN Marlins sa mga pinakabagong tropa sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL), pero siguradong may puso at tiyaga naman itong lumaban kontra 30 iba pang koponan.

Umaasa ang Marlins na mapapahanga nila ang lahat sa ilalim ng kanilang team sponsors na sina Kevin Espinosa at Norm Conti, head coach Biboy Simon at team manager Henry Serrano.

“We’re a new team hoping to make a difference in this MPBL Lakan Cup. With the help of our LGU and our new sponsor, we’re confident we’ll do well,” sabi ni Serrano sa 29th Usapang Sports ng TOPS sa National Press Club nitong Huwebes sa Intramuros.

“In the MPBL, we hope to focus a lot on defense, although our head coach (Simon) is a proven scorer during his playing days. Team effort lagi.”

Para naman kay assistant coach Manny Torralba at Danny Florano, ang kanilang goal ay makatungtong sa playoffs.

Sasandalan ng Marlins sina dating Talk ‘N Text player Aby Santos, si Ian Garrido na naglaro sa Philippine Christian University, si John Samigue at ang mga homegrown star na sina Mikko Estrellante at Excel Nocos habang makakasama rin nito si Norman Gonzales.

“Madami pang kailangan ayusin, pero tiwala naman kami sa kakayahan ng aming coaching staff, pati na sa aming mga player,” sabi ni Espinosa.

Kasalukuyang nagsasanay ang tropa sa Central Colleges of the Philippines (CCP) Gym sa Sta.Mesa, Maynila.

“Yung leadership at experience ko ang pwede ko ibigay sa team bawat game,” panapos ng 6-foot-4 na si Santos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?