2
views

By

MPBL: San Juan sinibat ang Pasay

Sharing is caring!

Naungusan ng San Juan Knights- Go for Gold ang Pasay Voyagers, 89-66, sa Datu Cup ng Maharlika Pilipinas Basketball League, Miyerkules ng gabi sa FilOil Flying V Centre.

Nanguna sa tropa ng Knights si Rian Ayon na may 16 puntos.

Nag-ambag rin ang former PBA player na si John Wilson ng 10 puntos at 14 rebounds, at Lester Reyes na may 10 puntos.

Tinapatan naman ni Shaquille Alanes ng Voyagers ang player of the game na may parehong 16 puntos.

Nanguna rin ang San Juan sa rebounds na may 55 marka habang 40 marka naman sa Pasay.

Sumatotal na 23 assist rin ang nakuha ng panalong koponan habang 11 naman para sa Voyagers.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?