66

Feb 21, 2020 @ 10:16
By

MPBL: San Juan pasok sa semis

Winalis ng defending champion San Juan-Go for Gold ang Pasay, 74-67, sa best-of-three quarterfinals para makaungos sa North semis round ng 2020 Chooks-To-Go MPBL Lakan Cup na ginanap sa AUF Gym sa Angeles City.

Sa huling 2:33 ng payoff period ay tabla ang iskor sa 62, ngunit bumomba ang San Juan ng 11-2 run sa pangunguna ng ex-pro na si John Wilson at nina CJ Isit at Orlan Wamar para ilayo ang puntos sa 73-64.

“Noong nawala si Larry Rodriguez, yung mga bench players nag-deliver. Naging ready lang talaga ang lahat. Lumabas yung character nila sa endgame, naging composed sila, importante yun sa playoffs,” pahayag ni Knight head coach Randy Alcantara.

Kumaripas ng double-double record na 17 points at 16 rebounds si Wilson habang si Jhonard Clarito naman ay umakbay pa ng 13 markers at 12 boards.

Si Wamar ang umagapay sa napatalsik sa larong si Rodriguez sa kinamadang 10 points.

Nasipa si Rodriguez matapos patawan ng ikawalang technical foul sa 2:58 marka ng 3rd quarter.

Naaksaya ang 23 puntos, 14 rebounds, 3 assists, 1 steal at block ni Dhon Reverente matapos bigong buhayin ang Pasay team.

Ang iskor:
San Juan-Go for Gold 74 – Wilson 17, Clarito 12, Wamar 10, Rodriguez 8, Isit 7, Victoria 7, Estrella 5, Bunag 3, Gabawan 2, Reyes 2, Marquez 0, Ayonayon 0.

Pasay 67 – Reverente 23, Jamon 11, Iñigo 7, Moradas 6, Belencion 5, Chan 5, Opiso 4, Ilagan 4, Lasquety 2, Pasia 0, Vitug 0, Lastimosa 0.

Quarterscores: 17-10, 32-22, 44-42, 74-67.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?