92

By

MPBL rule binalewala! TNT hahablutin si Vosotros, De Leon

Hindi ubra sa TNT KaTropa kahit pa pinagbawal ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) ang paglipat ng kanilang mga player sa PBA hangga’t hindi pa tapos ang ongoing Lakan Cup.

Pinapirma ng TNT sina Almond Vosotros at Samboy De Leon sa kanilang roster para sa parating na East Asia League Terrific 12 tournament, maging sa season-ending PBA Governor’s Cup.

Si Vosotros ay nasa Caloocan Supremos habang si De Leon naman ay naglaro para sa Iloilo Royals.

Matatandaan na noong Agosto ay naglabas na ng memo ang MPBL na hindi pwedeng lumipat ng PBA ang mga manlalaro nila dahil paliwanag ng liga, masisira ang paghahanda ng team kung masasanay ang mga player sa paglipat-bakod.

Sa report ng Spin.ph, sinabi na mayroon umanong exit clause si Vosotros sa Caloocan, kaya’t posibleng hindi ito maparusahan sa kanyang paglipat sa TNT.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?