128

Jul 20, 2018 @ 13:19
By

MPBL: Rizal itinakbo ang panalo kontra Laguna

Makapigil-hiningang nasungkit ng Rizal Crusaders ang 80-79 victory nila laban sa host Laguna Krah Heroes sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) na ginanap sa Alonte Sports Arena sa Biñan, Laguna, Huwebes ng gabi.

May 4.9 segundo na lang ang natitira at abot-kamay na sana ng Laguna ang panalo na 79-78, pero hindi nagpadaig ang Rizal sa huling segundo at pilit na ipinasok ni Denok Miranda ang kaniyang 2-point layup para mapasakamay ang kauna-unahang panalo sa torneo sa apat na laro.

Rumehistro si Alvin Vitug ng 21 puntos at naitarak ang 1-3 marka.

Sa pagkatalo ng Laguna, nalaglag ang koponan sa ikalimang puwesto na may 2-2 marka kabuhol ng Zamboanga at Davao Occidental. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?