75
MPBL: Reverente, Ilagan tawid sa Pasay Voyagers
By ,

MPBL: Reverente, Ilagan tawid sa Pasay Voyagers

Kasabay ng pagpapalit ng head coach ng Pasay Voyagers sa katauhan ni coach Marlon Martin, may dalawang bagong dagdag din sa magiging line-up ng team.

Sina dating Muntinlupa Cagers swingman Dhon Reverente at ex-Laguna Heroes forward Raymond Ilagan ang bagong pangalan na dadagdag sa Pasay.

Unang lumabas ang balita sa Fox Sports Philippines at ayon sa source, ito aniya ang simula ng bagong transition ng kanilang tropa sa pagsisimula ng bagong season ng MPBL sa Hunyo 12.

Si Reverente ay naging bahagi ng Cagers sa championship run nito noong inaugural staging ng liga at magandang finish nito sa katatapos lang na Datu Cup.

Habang si Ilagan naman ang isa sa mga go-to-guy ng Laguna nitong Datu Cup bagama’t kinapos ang tropa nito na makalusot sa eliminations.

Magsisilbing consultant naman ng Pasay ang dating head coach nito na si Cholo Martin dahil mas magfo-focus ito bilang head coach ng Arellano Chiefs sa darating ng 95th season ng NCAA.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?