223

By

MPBL: QC muntik mag-walkout dahil kay Buenafe!

Sharing is caring!

Marami ang nagtaka ng ma-delay ang laban sa pagitan ng Mandaluyong El Tigre at Quezon City Capitals nang halos 45 minuto sa Maharlika Pilipinas Basketball League sa Ynares Sports Arena.

Lingid sa kaalaman ng publiko, nagkaroon na pala ng pagbabanta mula sa Quezon City na mag-back out sa laro dahil sa isang manlalaro ng Mandaluyong.

Ayon sa artikulo ng Spin.ph, kinokordonan ng Capitals ang paglalaro ng dating PBA player na si Ronjay Buenafe dahil tapos an ang dispersal draft, signing at trading ng mga manlalaro noon pang Oktubre 24.

Ngunit kahit nahaharap sa tila disadbantahe ang Mandaluyong, pinili pa rin nilang ituloy ang laban para hindi masayang ang pagpunta ng mga taga-suporta ng bawat koponan.

Ang ending, talo ang QC, 87-76, at isa sa nag-top score ay mismong si Ronjay Buenafe na pumuntos ng 15 markers.

Ngunit ayon sa source ng Spin.ph, pinayagan aniya ni MPBL commissioner Kenneth Duremdes ang dating PBA journeyman na maglaro sa regional league, nagpalabas ng memo 17 minuto bago magsimula ang laban.

Base sa memo si Buenafe ay kapalit ng hindi nila napapirma ng kontrata ang dating manlalaro ng QC na si Jojo Duncil, na kanilang nakuha noong dispersal draft.

“In view of the situation and Mandaluyong’s written appeal on Oct 30, 2018, the Commissioner’s Office decided to allow Ronjay Buenafe to replace (Jojo) Duncil effective today,” saad sa memo ni Duremdes mula sa Source ng Spin.ph.

Ngunit base sa terms ng liga, hindi pwedeng maglaro si Buenafe dahil hindi ito kasali sa pool of players ng MPBL, at hindi pa nagiging parte ng kahit anong koponan sa torneo.

Balak iprotesta ng Capitals ang kanilang naging laro at nanghihingi rin ng meeting upang mapag-usapan ang kalituhang nangyari sa liga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?