40

Feb 21, 2020 @ 17:02
By

MPBL: Pampanga swak sa North ‘F4’

Humugot ng lakas ang fourth seed Pampanga-ADG sa kanilang home court para sipain ang 1Bataan-Camaya Coast, 83-80, Huwebes ng gabi at umabante sa North semis ng 2020 Chooks-to-Go MPBL Lakan Season na ginanap sa AUF Gym sa Pampanga.

Sa huling 44.4 segundo ng payoff period ay umatake sa loob si Dexter Maiquez katapat ang defender na si Chito Jaime para kunin ang kalamangan 79-78.

Sinubukan namang gumanti ng Bataan matapos pumukol si Byron Villarias ng trey ngunit hindi pumasok na nagbibigay sa Pampanga ng extra possession.

Wala namang sinayang na pagkakataon si Marquez nang ipasok ang apat na foul throw tungo sa panalo ng Pampanga.

“Kailangan talaga naming maglaro tulad ng endgame execution ngayon lalo na’t ang kalaban namin sa semis, defending champion na San Juan,” pahayag ni Pampanga head coach Bong Ramos.

Tumapos ng double-double si Letran Knight big man Larry Muyang sa kanyang 13 markers at 11 rebounds habang ang bayani naman ng Pampanga na si Maiquez ay naglista ng 19 puntos at 9 rebounds.

Nawalan naman ng saysay ang 22 at 21 markers nina Reed Juntilla at Chito Jaime para sa Bataan.

Makakatapat ng Pampanga ang defending champion na San Juan Go-for-Gold sa semis ng North matapos dispatsahin ang Pasay, 74-67, nito ring Huwebes sa unang laro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?