53
MPBL: Buenafe paandar sa Heroes
Aug 16, 2019 @ 19:17
By

MPBL: Pacquiao, Caloocan harurot

Napanatili ng Caloocan at Makati ang kanilang ratsada habang nakasampa na sa win column ang Marikina sa umiinit pang mga tagpo sa MPBL Lakan Season sa Caloocan Sports Complex.

Kinulekta ng Victory Liner-supported Supremos ang kanilang fourth straight win sa pagtambak sa SOCCKSARGEN Marlins-Armor On, 93-77.

Nangibabaw si Rene Pacquiao, rumehistro ng 15 points at 12 rebounds para ibigay sa Supremos ang analo sa torneong binuo ni Senator Manny Pacquiao katuwang si PBA legend at former MVP Kenneth Duremdes bilang commissioner.

Angat sa 5-5 ang Caloocan at ibinigay naman sa biktimang SOCCSKSARGEN ang ikawalong sunod na talo upang manatiling tanging winless squad sa third season ng liga.

Samantala, nakaisa na ang Marikina nang tapakan ng Shoemasters ang Valenzuela Classic, 70-65.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?