64

Dec 28, 2019 @ 17:16
By

MPBL: Paandar ni Gerald Anderson kapos

Kinarga ni former UE Red Warrior star Alvin Pasaol ang Zamboanga Family’s Brand Sardines kontra Imus Bandera, 88-72, sa out-of-the-country ng 2019-20 Chooks-to-Go MPBL Lakan Cup na ginanap sa Seven Chiefs Sportsplex sa Calgary, Canada nitong Biyernes (Sabado sa Manila).

Bumomba ng game-high 21 puntos si Pasaol sahog pa ang 6 rebounds at 1 assist para ipagpatuloy ang pamamayagpag ng Zamboanga sa Group B South Division na may apat na dikit na panalo.

Umagapay rin sa produksyon ang anak ni dating PBA import at coach Norman Black na si Aaron Black matapos magkamada ng 13 markers, 7 boards at 4 dimes habang ang kanilang kapitan na si Antonio Rafael Asistio ay umambag ng 12 points para kunin ang kanilang ika-16 na panalo sa loob ng 26 laro.

Hindi naman sapat ang 14 points, 3 rebounds at 5 assists ni Gerald Anderson sa Imus Bandera na bagsak sa 6-20 kartada sa parehong dibisyon.

Samantala, sinalba naman ni Jeff Viernes ang MPBL All-Star team kontra Calgary Storm Team 1 matapos ipasok ang 2 huling free throw sa huling aapat na segundo para itabla ang iskor sa 95-all.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?